21 May 2009

Point of View on Katrina Halili and Hayden Kho Scandal

bakla-ako-belo-med-hayden-kho-katrina-halili-naked Makikitsismis na rin ako tungkol sa isyu na to. Aba halos buong balita eh puro ito ang topic. Pati ang senado nagimbal sa Scandal na to. Eh teka nga ano ba kasi ang nangyari? Ang sabi daw kasi eh itong si Hayden Co eh dapat tanggalan ng lisensiya dahil sa ginawa niyang pambababoy kay Katrina Halili at sa dalawang iba pang nakasama sa kumakalat na video sa internet. At dahil nga ako eh tsismosa ring numero uno, eh hayan nagsearch tuloy ako. YUng Careless Whisper na nagsasayaw sila nakita ko pero ung iba pa eh hindi na. Actually dun sa nagsasayaw ok pa eh. Eh bakit nga ganun sin nman sila pumose sa mga Men’s magazine di ba? naka Two Piece? Or pag nagpa-fashion show sila ng mga Bench or kung ano ano pa. Pero yung ibang malalaswa eh hindi ko nakita. Bagkus mga extended version ang nakita ko. Gaya ng funny videos na ginawang comedy ang panggagaya sa pagsasayaw ng dalawa. Eto pa pati si Mr. bean nakisayaw din. Ang hindi ko kinaya eh yung Aso. Tama sex scandal ng aso ang pinost ng mga hinayupak. hehe Sabi sa comment dun sa video eh sinumpa daw ni Doktora Vicky Belo si Hayden at si Katrina kaya naging aso. Pambihira oo! Sumakit tuloy ang panga ko sa kakatawa hehe..

 

Anyways, honestly, mali talaga ang pagpapakalat ng video na to lalo na sa mga pirata pa. tsk tsk tsk.. tuloy parehas silang nasira ang pangalan. I mean hindi natin pwedeng isisi ang  lahat sa iisang tao lang. Parehas silang merong pagkakamali sa isyu na ito. Pero sa sitwasyon na patagong kinunan ng video ang anumang maselang bagay na ginagawa ng magkasintahan o ng mag-asawa o ng mag-anupaman eh sadyang nakakadegrade ng pagkatao partikular sa mga babae. Bakit nga ba hano? kahit na dalawa silang gumawa ng bagay na yun ang mas kahiya-hiya ay ang babae? Sana nga ay maipasa na ang batas patungkol sa mga ganitong kaso para maprotektahan natin ang mga kababaihan. Kung bakit kasi hindi mapigil ang mga invention hano? tuloy kahit ganggakulangot na camera pwede ka maglagay sa katawan ng hindi man lamang napapansin. Tsk Tsk Tsk.. Hay naku sana ang mga kalalakihan naman ay matutong rumespeto sa ating mga kababaihan. Hindi ko sinasabing lahat pero sana lang ang bawat lalaki eh meron katangiang ganun. Goodluck na lang sa kaso ni Katrina. Sana ay hindi na maulit pa ang gma ganitong pangyayari. Alam kong marami ng iba rin ang nasira ang buhay mula ng lumabas ang mga cellphone na meron de-camera pero ano ang magagawa mo kung biglang sinaniban ng demonyo ang partner mo? Kaya paalala sa aking mga kabaro, konting ingat at huwag masyadong magtiwala.

10 comments:

  1. hai sis, tama ka sa iyong payo dyan..
    bakit nga kc may hayden video pa si hayden...
    ng di nalalaman nila katrina anoh.

    ReplyDelete
  2. Naku Eds,di lang yung sayaw video ang scandal nila.Meron talaga silang sex video na malupit.Alam mo ba marami pang sex video si Hayden? Meron syang kasama si Maricar Reyes, yung gumanap na ex ni Armando sa Betty La Fea? tsaka meron din sya kasama ang isang brazilian model.Meron din daw sila ni Ruffa mae pero yung kay Ruffa Mae di ko pa nakita.

    Feeling ko collection talaga ito ni Hayden dahil di naman alam ng mga kinukuna nya na kinukunan sila. Kawawa ang mga babae,anu?

    ReplyDelete
  3. Meryl sa kaso ni Hayden eh marapat lang talaga na alisan sia ng lisensiya. baka hindi lang mga sikat ang naging biktima nia

    ReplyDelete
  4. Peachy ikaw ha napanood mo na lahat? hehehe pambihira hndi ko makita eh. sex video ng aso ang nakita ko hahaha..

    Itong hayden na to tingin ko eh manyakis talaga kahit wala pa man yung mga scandal na yan. At kung naglalagay sia ng hidden camera sa lahat ng mga nakakasama nia sa mga private sessions nila eh naku ha hindi lang dapat alisan ng lisensiya yan. bitayin na yan hehe

    ReplyDelete
  5. Hay naku si hayden may sira yata talaga sa ulo! Sikreto nya talaga kinukunan at di alam ng mga babae. Buti na lang yung kay katrina e patay ang ilaw kundi kitang kita ang puklo nya! Halatang napanood ko no? hehehe! E kasi naman yung mga boys sa internet shop ni sis ay yan ang mga pinapanood kaya nalaman namin ang website kung saan naka upload e syempre curious kaya ayan nakinood... wala nun sa youtube kasi bawal ang mga ganun dun.

    ReplyDelete
  6. naku ha at saang site kaya nakaupload? hmmm? hehehe gusto ko rin mapanood at makilatis kung nakita nga ba o hindi ang puklo hehehe ano ba yan .. puklo fever!

    ReplyDelete
  7. hay naku tita eds kaya nga ako ingat na ingat lagi at baka ako e makunan din video na yan, wahahahahahaha...ganyan talaga ang buhay e di mo aakalain na masisira ka dahil dun pero sabi nga nila life must go on at pasasaan ba at malilimutan din yan ng aso, este ng tao pala..ano ba yan nadala ako sa sex ng mga aso dyan

    ReplyDelete
  8. wwwaahhhh!!wala pa akong napapanood at ngayon ko lang nalaman yang balita na yannn!!\(^0^)/
    pero isa lang ang masasabi ko--ang dami-daming problema sa Pinas na dapat harapin ng senado at wag itong lintek na video ang pagtutunan nila ng pansin noh lol!!

    ReplyDelete
  9. tita eddsssss!!! been a very long time na, miss you, miss you!!! mmmuuahhh...

    ReplyDelete
  10. ung tungkol naman kay hayden...ehhhh..napanood ko na ang ilan sa mga video nya...the damage has been done, sana nga lang huwag gamitin ang issue nila ng ibang politician na may ambisyong umupo sa 2010...huh!

    tsaka, naku...nakakasawa na rin ang story nila...kaya ang istorya ko na lang ang paglalaanan ko ng panahon..hehehe

    ReplyDelete

LinkWithin

Related Posts Widget for Blogs by LinkWithin