29 Mar 2009

Proud of Myself

Bakit ba ito ang title ng aking post entry today? Hindi ko maipost ang ibang mga pangyayrai sa aking vacation dahil hindi ko maisip kung papano uumpisahan .. hekhekhek.. kaya naman minabuti kong ipahinga muna ang isip ko sa pagbabalik tanaw ng mga magagandang alaala sa aking ITALY get-away. Ni sa hinagap kasi hindi ko inisip na mararating ko ang isa sa mga holy country na gaya nito.

 

Five years ago binuo ko sa pangarap ko na isang araw at mararating ko ang Italy. Yun ay sa kadahilanang 5 years ago ay may nakilala ako sa chat na sa Italy naka-base. Yunung taong biglang nawala. hehe Natatandaan nio ba yun sa love story ko? Kaya sabi ko nun bigla siyang nawala eh mararaitng ko rin ang lugar kung nasaan sia. Ang nasa isip ko nun eh hahanapin ko sia . Pero since ako nman eh meron nang Habibi nabago ang aking pananaw at imbes na hanapin ang taong naging sanhi ng aking unang pagkabigo eh aba keber ko? hehe Libutin ang Rome kasama ang love of my life hano?

 

Hindi ito ang tema ko today eh . Hehe kung bakit Proud of Myself ang title ay heto ang dahilan :

nonoy

Kung nakita mo at nabasa ang picture sa taas, eh yan ang dahilan kung bakit Proud of Myself ang titulo ng aking post. Natatandaan nio ba ang entry ko na  Frustrated Singer? Kung hindi pa eh balikan mo at makikita mo kung saan ko kinaptyur ang comment na yan. Hindi ko alam kung siya nga ay si Nonoy Zuniga pero sino man siya eh sapat na para maging proud ako sa sarili ko. Hindi lang sa kanya kundi sa mga kaibigan ko sa blogosperyo na matyagang pinakinggan ang aking pagngawa sa mikropono. Pero fan talga kasi ako ng mga kanta ni Nonoy Zuniga dahil madalas itong kantahin ni tatay sa aming videoke kapag naka 4 na bote na siya ng beer. Isusunod pa ang kanta ni Marco Sison. Bonggang-bongga di ba? sabi nga eh mga alamat na itong mga singer na to pero hanggang ngayon kita nio nman at patok pa rin sa takilya ang kanilang mga kanta. Kahit siguro mga new generation eh kabisado ang mga kantang kagaya ng mga song piece ni Nonoy Zuniga. Ang pinakapeborit ko siempre sa lahat eh ang DOON LANG. Pero alam niyo ba nun nareceive ko ang comment na to parang nabigyan ako ng moral na ipagpatuloy ang pagkanta. Mula kasi ng mapunta ako dito eh parang feeling ko walang lugar ang pagkanta dito kasi hindi nman sila talaga mahilig kumanta gaya nating mga pinoy. Hehe Ako lang talaga ang adik lol! Well, tingin niyo ba si Nonoy Zuniga sia?

 

Para sayo Nonoy Zuniga, maraming-maraming salamat sa pagdaan mo sa aking blog. I appreciate it sooo much!! Kaya nga I’m so proud of myself na eh. Sana makagawa ka pa ng mga bagong kanta at ipagpatuloy mo ang pagperform kasama ang iyong mga kaibigan. Alam kong kayo at may mga concert na ginaganap sa iba’t ibang bansa kaya ang masasabi ko, MORE POWER to you!

27 Mar 2009

Benvenuto Great Britain!

Feel na feel ko pa rin ang Italya kahit na nasa Great Britain na ako. Naks meron pang hang over ng bakasyon. Hayun at feeling ko ngayon eh nanaginip lang ako. Parang hindi nangyari ganun baga? Hindi ko alam kung epekto ito ng panghihinayang na sana eh mas matagal kami nag-stay o dahil sa nabingi ako sa plane. Tsk! Tsk! Tsk! Anuman ang dahilan eh isa lang ang ibig sabihin nito. Babalik ako!

 

Sa totoo lang masama ang pakiramdam ko. Kasi nga sa dami siguro ng nakasalamuha namin sa pagbabakasyon, kaliwat kanan ang sumisinga, umuubo at bumabahing naItalyaho at turista eh nasagap ko ang pambihirang souvenir na tingin ko eh talgang di ko makakalimutan. Hay naku, tuluyan na ngang bumigay ang aking katawan sa pagod at puyat na aking narasan. isipin mo puyat ka na tapos masasakit pa ang mga binti ko. Tingin ko nga dudugo ang talampakan ko eh hindi ko matatapos libutin ang Rome sa loob ng iilang araw. Parang narinig ko me nagsabi na “ E di dun ka tumira!” .. Mali ka jan dahil ayaw ko tumira sa Italy. Lol! Mahal mabuhay sa Italy. Parang nga lahat ng pangarap ko na tumira sa bansa kung saan ang sibilisasyon ay nagmula ay naglaho na parang bula. Sus ginoo! Nasaid ang aming salapi dahil kaliwa’t kanan ang bayad. Rip off pa ang ilan sa kanila na talgang ginawa nang business lahat ng pwedeng gawin business. Heto pa, sa Italya na isa sa sentro ng fashion meron din mga pirata! Ano ang ibig kong sabihin? Eh di IMITACION! hehe nakabili nga ako ng LV na peke kaso malapit sa Coloseo dahil sa dami ng laman ay napigtas ang hinayupak na bag. Buti na lang hindi nila alam kung ano ang nasabi ko sa aking pagkagulat. Isang metro ang tilampon ng bag ko na nalagot at sumadsad sa buhanginan. Pambihira sa Italya pa ako nagsabog ng kahihiyan. Pinulot ko agad kahit kasagsagan ng mga turistang naglalakad at ibinuhol ng pagkahigpit-higpit. Di bale, tatahiin ko na lang sa aking pagbalik sa Wales.

 

So hayun nga, tapos na ang bakasyon at ako ngayon ay nandito sa New Brighton. Uubo-ubo at sisinghot-singhot sa aking nalanghap na masamang virus mula sa Italya.Kung hindi nio nalalaan, eh ngaun lang ako dinapuan ng sipon at ubo mula ng hako ay dumating dito sa UK. Ang sakit ng ulo ko at parang puputok ang magkabilang tenga ko dala ng pagkabingi ko sa plane. Di ko rin na-enjoy ang joy ride pauwi kasi nga mukhang si manng piloto eh di maganda landing. Kumbaga sa jeep nakakalso pa kami sa mga ulap lol! Yun pagland kasi namin parang ang feeling eh ilang ulit akong itinaas at biglang ibinagsak sa roller coaster. Tingin ko nga kamuntikan na nman maiwan ang kaluluwa ko sa langit sa bawat baba ng plane bago namin marating ang kalupaan. Hay nakahinga ako ng maluwag ng naka-land na kami. Yung tenga ko hanggang ngaun umuugong. Ang lalaki na nga ng nguya ko eh para hindi ko ma-feel na parang tinakpan ng earplug pero parang blocked pa rin sia. Tapos unti-unti lang nawawala sa bawat hikab ko lol! Hay naku, ngayon ko naisip na parang pinarusahan ko ng minsanan ang aking katawan. Pero ayos lang at least nakita ko na ang ibang mga larawan na sa picture ko lang madalas makita.

 

Ayun, nakita ko pala ang mga mensahe niyong bonggang-bongga sa aking tagboard Salamat sa mga walang sawang dumadalaw. Ako nman eh babawi sa inyo bukas. Hindi ko talaga kasi magamit ang aking internet sa pagbbloghop kasi nga mabagal na mabagal. Malamang pag ginamit ko to eh lumaylay ng bonggang-bongga din ang aking eyebugs kakahintay sa pagloload ng inyong mga sites. Siempre nman ayaw natin mangyari yun kaya konting-konti na lang at magagamit ko na rin un internet na pag binuksan mo eh hindi mo matatapos ang alpabetong piipino bago magload. (Repeat twice pa yun ha ) hehe.. Nagmamalabis na nman ako. Bueno, pahinga muna ako. Buonanotte mga seniorita at seniorito! Grazie and Arrivederci!

26 Mar 2009

Salve senyor at senyora mula sa Basilica de San Pietro!

Bunjourno, Senior y Seniora.. Naks ganda ng intro ko wah.. hindi ko nga alam ang spelling kung ano ang mga sinasabi nila ahihi.. Ang Bibilis kasi nila magsalita at talaga namang ang RRRRRR ay tumataginting!

 

Hindi ko naipublish agad ang aking 1st day kagabi dahil ayaw pumasok ng post ko dito sa blog sa bagal ng internet ko haha.. nakatulog pa nga ako ng mga ilang minuto eh kakahintay na ma-publish pero failed daw kaya tinigilan ko na .. Natulog na nga ako ng bonggang-bongga na may ngiti sa labi para sa araw na ito..

 

Today ay Vatican City Marathon naman ng kinarir nmin. Lakad, takbo, tawid, pose, akyat, baba, liko upo ng konti at lakad na nman tapos sakay then upo tapos picture na nman. Yun leeg kulang na lang umikot ng 360 degrees sa dami nang nakikita. Heto nga at nakita ko na ang famous St. Peter Square Church.. Hay! Sabi ko kay habibi dapat nagdala kami ng tent at dun na kami tumira.. hahaha… kahit Holy water ang inumin hayos lang.. Kahit puro ostiya ang kainin parang full pa rin ang energy ko. Ang ganda-ganda talaga.. Hindi ko maisip kung paano nila naukit ang magagandang estatwa gayun din kung pano nila naipinta at naitayo ang magagandang arkitektura na gaya nito. Kahapon nga mejo hindi ako naimpress kasi on the way from the airport sobrang dami ng graffiti. Alam nio yun puro vandalism talaga. Walang malinis na space na tinira. Sabi ko naku mukhang nag-expect ako ng sobra tapos ito lang pala ang makikita ko. But not until today! Take a look at these next pictures.

 

Sa entrance pa lang yan. Tumambad sa amin ang napakaluwang na space. may dalawang fountain sa magkabilang gilid tapos lahat ata ng matatabang poste na yun ay may nakalagay na malalaking estatwa na hindi ko na alam kung sino-sinong mga Roman personality eh. Mga po na nagdaan, Saint peter siyempre at alexander VII nga ba.. Ahay basta yun na yun at hindi nman na ako nagbasa ng history nila. basta picture na lang ako ng picture! kasi pag binasa ko ang history neto malamang pagawan na rin nila ako ng estatwa bago ko matapos yun lol!

 

Isipin nio na lang kung gaano katagal humubog ng mga skulptura na kagaya ng mga kerubin na un? Hindi ba ang taga nun ? eh nakapalibot yan sa bung St. Peter square at ang maliliit na detalye at talaga namang kininis at pinerpekto. Ang ilan sa mga picture na nakuha ko ay karamian ceilings. kasi naroroon din ang mga nakamamanghang ukit at gawa sa bronze, at ginto. Meron din gawa sa marmol at porselana na sadyang naipreserve nila ng husto. At kung mpapansin ang pic ni habibi eh ceiling yun. ginawa ko niyang background pero sa paikot nun ay may mga turista rin na matiyagan inaalam ang bawat kwento ng magagandang paintings, rebulto at ukit sa pader ng famous st. peter square – vatican city.

 

Hindi ko alam kung ppwede na ang mga picture na ito pero palagay ko eh gagawa ako ng part 2. Kasi nga eh inaantok na ako. Di bale, bibitinin ko muna kau ng konte para nman merong thrill..

 

Siya pala dahil sa dami ng picture na kinuhanan ko kanina eh nainis sa akin si habibi. naka 20 shots na raw ako sa labas pa lang ng church. Moody si lolo kaya nainis tuloy ako. Naiyak ako sa gitna ng st. peter square.. Imaginin nio ha first time meron isang turista na umiyak sa git na ng st peter square hehehe.. Pero as soon As we get in tapos ng bless ako ng holy water form the querubins jan sa picture, the bad moods has blown away.. so sabi siguro ni Papa Jesus, better enjoy the day rather than spoiling your vacation.. kaya humayo kau mga anak at alamin ang iba pang ganda sa bahay ko.. naks! Si bro talaga no gina-guide ako. So after nun, believe it or not game na game na si jamie sa lahat ng pituran. Ultimo nga yata un ibang italyano eh pinicturan na rin. at pag ako nman 3 shots agad para daw sure.. hehehe..

 

O pano, post ulit ako bukas.. kahit hindi ako updated eh iuupdat ko ang lahat ng aking napuntahan as soon as possible.. papahinga na ang beauty kaya see u again tomorrow.

 

100_2417

Eto nga pala ay picture namin ni mamita at ni mamito sa harap ng Basilica de San Prieto. Salve mga senyor at senyora bloggero! Awhoooo!!

24 Mar 2009

First Day – Rome, Italy Trip

Habang ako nga ay nakaupo sa trono eh ako eh nagbblog hehehe.. aba ngaun ko napatunayan na Time is Gold pala talaga lalo na kapag ikaw ay turista. Lol! Ang totoo niyan, ako eh gumagamit lang ng Top Up at ini-insert lamang ang simcard sa aking Lapitapip.Kaya bawat megabytes na aking gamitin ay ginto. Ho di ba? Mabilis pa yun dial-up sa pinas pramis! hehe tangek ko talaga eh parang dial up nga rin pala ito ..

 

Hindi ako nakatulog halos kagabi dala ng aking pananabik sa pagpunta ng Rome. Half eight pa lamang eh nakahiga na ako para makabawi sa mga nagdaang puyat. at pagtapos alas onse nga , ano’t gising na ang lola niyo. Kaya pinilit ko ulit matulog pero hindi na ako dalawin ng antok.

 

Nang marinig ko si Biyenan na bumangon para sa isang tasang kape, eh bumangon na rin ako at gumayak. Talagang sabik na akong makita ang Rome hehe.. Obvious ba? Alas dos ng madaling-araw nun eh tapos alas tres nakagayak na ako eh ihahatid kami ng taxi ng 3:45 sa Liverpool John Lenon Airport. Naks! Kabisado ko pa talaga eh hano.. Pero ang ginaw in fairness! Tingin ko umurong ang lahat ng uurong sa akin pero hala-bira pa rin ako kahit na singhutin ko pa ang usok ng mga aking mga byenan sa paghihintay sa kanila bago magcheck in ng luggage.

 

Eh ayun nga nakarating na nga kami sa airport. Eto nga ang katibayan niyan . Mga pictures na isshare ko sa inyo..

 

100_2214 4:00 Am at Liverpool JohnLenon Airport – Departure

 

 

100_2220My In-laws both excited to take off.. First time ever ni Dad na mag-flight sa ibang bansa kaya he’s getting ready to sing his song – FLY ME TO THE MOON at YOU RAISE ME UP .. Lol

100_2229 

Ayan nasa background pa ang Plane na kung san kami nag-book.. Mura jan promise hehe.. Wala nga lang pagkain pero ayos na rin. 2:45 minutes lang nman ang Biyahe from UK … Pa- EPAL pa ako niyan kahit ngarag na ngarag..

 

100_2236 

 

Taking Off .. Teary eyes si Dad at hindi niya akalain na siya eh nakasakay na nga sa Plane at papuntang Rome.. Habibi and me was also happy seeing them both excited. Last week kasi eh parehas na meron sakit yan pero parang bglang gumaling nun paalis na kami sa bahay kanina.

 

100_2241

Up, Up and away from UK. Well, na-prove namin sa tatay ni Habibi na kapag nag take off ang plane eh hindi katulad ng inaakala niya na lahat ng pasahero at titiwarik din lol! Tingin ko nman naniniwala na siya ngaun hehe.. Dumudungaw pa nga sa bintana eh parang sanay na sanay na rin umasta.

 

100_2254

Just another scene up and above hehe.. dont worry nag- HI ako kay Bro (papa Jesus ) para sa inyo and he winked at me ..Happy trip daw to me at kayo daw patuloy niyo daw basahin ang blog ko kahit wala ako. lol :)

 

100_2261

30 Minutes before landing at naaliw ako sa scene na to hehehe.. Feeling ko nasa patalastas ako ng Gatas na Alfine ehe..I like those mountains covered with snows.

100_2264

I think we’re nearly there, by just looking at this picture. Not so clear but that lake or river looks like a Giant Cross.. Its amazing!

 

100_2274100_2271

 

Malapit na nga kami.. I can see a massive river over there! Lovely!

 

100_2276

 

10 Minutes before landing .. Yahooo heto na nga kami … naaamoy ko na ang mga Italyano .. Pizza Mia with pepperoni at pasta italiano .. si.. si.. si.. senior!

100_2279 100_2277

 

Finally here!.. sila pinakita lang ang picture ayos na.. ako lagi nakahiwalay kainis.. but the good thing is we are now here, chilling for a bit wile waiting for the bags..

 

 100_2287 100_2290

O kumusta naman ako? Ngarag na pero pose pa rin sa labas ng airport un pic sa left -at the Terravision shuttle bus to Rome City Center naman un sa kanan.. Lapit na pero antok na antok na talaga ako… hayz..By the way, this is the first time that I’ve removed my coat and showed my arms sa labas hehehe.. Sabi ni mam in law , “ Ohoo I didn;’know you have arms edna lol” .. lagi kasi ako naka pangginaw. Pero promise ang ganda ng sikat ng araw sa rome. Nag-strip ako ng kelangan kong alisin at init- na init ako . Parang pinas nga eh pero lahat ng makikita ko naka-coat??!! Bloomenheck”!

 

So after 40 minutes, we have reached the train terminal. My in laws and habibi bought some cappucino na sobrang mahal. Take note wag kang uupo pag ikaw ay nag-kape kasi mas mahal ang charge sau. Kaya nakatau lang kami siempre pero nangangawit na ako kaya I asked them to find the Hotel first kasi masakit na ang bungo ko sa antok.

 

Hay salamat! After 10 minutes walk we’ve finally checked in. Me and Jamie took a doze of around 2 Hours sleep. But not really two hours kasi nga ang ingay ng kabilang room. Ewan ko kung ano ang ginagawa hehehe.. Pulot-gata cguro! At eto na humahangos si Dad kasi nga hindi sila nagpahinga and decided to walk around the place where we are in habang kami ni Habibi ay comatose. He has a good news about the Basilica we saw earlier and they have been there. Kaya nman gumayak na ako kaagad! Aba hindi pwedeng namimiss ko ang ibang attraction lol!

 100_2300

Jamie in the Center of Rome drinking some hot Cappucino.. and Coke kasi mas mura hehehe

 

100_2301

Me and Mam at Irish Ristorante.. Napag-isip isip nia na malamig na pala pag hapon kaya she’s going back to the Hotel to get her coat.

 

Me and mam still infront of a small church dedicated to St Paul. Actually meron kinakasal when we are there.. And the reason why we are chilling on this side ay dahil sa beggar na panay ang balik  to ask for money.. Tingin ko nga eh type si Mama.. lol

 

 

These are some of the pics the we;ve seen today including the Santa Maria BASILICA near the Nationalizmo Fountain. It was really nice and the church is one of the most beautiful church ive ever seen..

 

O ha .. patalo ba nman ang lola nio jn … promise its one great church na hindi mo dapat palampasin.... the paintings, mga haligi at marmol..everythng ..grabe sobrang ganda..

 

Well, ito lang muna ang mga pictures na maisshare ko sa aking first day. kasi nga ang lola nio ay low bat na sa pagod. I have to get more energy for tomorrows marathon sight-seeing. Vatican City nman ang aming hahanapin. So enjoy lang kayo jan at ako eh babawi sa inyo sa aking pagdating..

 

PS .. Hindi ko pa na-try ang Pizza, Lasagna at Spaghetti Italiano hehehe bukas cguro… Babay muna mga kaibigan at kita-kita tau sa mga blog niyo next week.. :)

21 Mar 2009

Make-Over Galore

Sori mga ka-blag kung hindi ako makakablog hop  ng madalas. Ang beauty nio eh mejo gagala muna sa capital city of Pizza and spaghetti hehe.. Mejo nagppraktis na nga ako ng mga salitang natutunan ko pa sa kaibigan ko na nagttrabaho dun kamakailan lang. Kaya nman feel na feel ko na ang pagbabakasyon.

 

Anyway, matapos ang masalimuot na paghahanda sa aming pag-alis heto at i-si-share ko sa inyo ang ibang piktyur na kinuhanan ko pa habng bising-bisi sa paghahanda. Gaya nito:

 

 

100_2166

Ho di ba? Para sa kaalaman ng lahat ako ay natutong magsariling-sikap sa mga pagpapalandyutay na kagaya nito. Kung sa pinas eh halagang 300.00 – 500 pesos lang ang facial na meron pang kasamang collagen o oatmeal face pack dito hindi ko  pwedeng gawin yun dahil ginto ang lahat ng serbisyo dito. kaya nman matiyaga kong pinag-aralan ang lahat ng ito mula balakubak hanggang tibak.

 

Tama ang nakikita mo at hindi ka namamalikmata. Ako nga ay nagffacial mag-isa hehe. Minsan ginagawa ko to sa aking Habibi at mother in law nga pati si mother in law at si Habibi ay mine-make over ko  gaya nito kaya nman loves na loves nila ako. At wag kang mabigla pati footspa, pedicure and manicure, isama mo na ang massage ay kinarir ko na rin dito.

 

Makikita sa larawan na gumamit pa ako ng steamer sa mukha para maging fresh nman bago kami lumarga. Kasi nga ako ang babaeng hindi biniyayaan ng magandang kutis at mukhang tinugis ako ng mga pimples nung aking kabataan. Kaya nman pwede kang maglaro ng connect the dots kung ako eh makikita mo 10 years ago. Sabi nga ni itay, madali daw akong idrowing kasi daw tutulduk-tuldukan lang daw niya ang magkabilang pisngi ko para maging hawig na hawig ko.. Huaahhh!! Noon nman kasi ay hindi ko alam kung ano ang igagamot ko. Nariyang nagpakulo ako ng camias at ihilamos sa mukha ko at gumamit ng ching-chang-su para lang mawala pero makukulit talaga sila.. Pasalamat na lang ako at mejo nagsawa na sila ngaun sa pagtubo. Kung hindi, baka akalain niong bumaba na ang buwan dahil makakakita talga kau ng craters ng malapitan.. ( Hay salamat talaga at humupa na sila..)

 

100_2175

 

Akala nio ba hanggang steam lang at paggamit ng metal na bagay pang-alis ng black heads at white heads ang kaya kong gawin? Nagkakamali ka dahil nagmumud pack din ako. Katunayan cucumber ang flavor niyan .. Sarap talaga at ang lamig sa mukha .. Pero naisipan kong magpicture kahit hindi ako makangiti at baka magcrack na bigla..

 

Promise, i-try niyo ito at talgang nakakarelax. Why pay eka nga when you can do it yourself? Ganun din ang effect nun. Ang kaibahan nga lang hindi ka hihiga at iidlip habang nagfafacial dahil ikaw mismo ang gagawa.

 

Habang nga ginagawa ko yan meron pang instrumental na tumutugtog sa background ko. Feeling nasa facial spa clinic din nman ako di ba?

 

 

Kumbinsido ka na ba? Fasten your seatbelt dahil heto na ako ng matapos ko ang pagfacial sa sarili kong face. Ay ang gulo?!

 

100_2180

Hayan na ang finish product. Hindi kasing kinis pero at least hindi na kasing lala ng dati ang bakas ng nakaraan hehe.. Fresh na fresh na ang lola niyo para sa aking paglipad.. nyahehehe…Wala akong make-up jan kaya wag na kayong magtaka kung kulang sa kagandahan hehe..

 

Pero siyempre pwede bang mawala ang pedicure at manicure? Siempre nman nilinis ko rin ang kuko ko at baka nman pagdaan ko sa x-ray eh tumunog ng bonggang-bongga ang alarm. ( Pagmamalabis yan siempre.. lol) . Siguro nga ay eksayted lang ako masyado sa dream kong bakasyon.

 

 

100_2189

O diba? pulang pula ang kuko ng lola niyo. Para akong aattend ng awards night hihihi.

 

Actually, first time ko gumamit ng pula sa aking daliri dahil feeling ko eh babagay na sia sa aking mga kamay. Lol.. Feeling ko kasi eh pumusyaw na siya ng bahagya. At kahit hindi maganda ang aking mga daliri eh mukhang me changes naman kumpara sa dati. Para kasing bagong hukay na luya ito noon. Wag niyo na hanapin un sa paa kasi minalas. Na-murder ko yata sa dami ng in-grown hehe..Pula din ang kulay para terno kahit na magsasapatos nman ako. Bakit nga ba hano? pag meron mga importanteng event na pupuntahan o ano tayong mga babae eh mahalagang nakahanda ng husto. Make-over to the max talaga.

 

Heto ba ha, sabi ni habibi eh malapit ko na raw siyang kakulay… Huaattt?? Lakas talaga ng amats ni Habibi eh sobrang puti kaya niya. Ako eh subukan maarawan ng minsan. yun bang sinag-araw na kagaya ng pinas at pag di umitim ako agad in seconds lol.. Laking-ilog kaya ako?

 

Pero, pwede ba nmang ako lang ang meron make over? Kagaya nga ng sabi ko kanina, kinarir ko na ang lahat ng pwede kng gawin dito para makatipid. Kung pagsesemento ang drama ko kahapon, ngayon eh puro beauty trip naman. isinama ko na sa list ang pangugupit. Abangan nio at minsan isang araw eh magtatayo na talaga ako ng salon dito. Heto ginupitan ko ulit si Habibi.

 

100_2209

 

Gamay ko na to promise. Kaya nman poging-pogi na ulit si Habibi. Bagong ahit, bagong gupit. Courtesy of me? O ipagpapalit pa ba nman niya ako sa iba niyan? One whole package na ako ! ( Nyay! Masyado akong makapagbuhat ng bangko hano?). Ang totoo niyan eh lahat eh gagawin ko para ke Habibi. Promise! Kahit lumunog ng blade at kumain ng apoy gagawin ko para sa kanya ( Awww!)

,

Ito lang nman ang mga pinagkaabalahan ko kahapon bukod sa pamamalantsa at paglilinis ng bahay bago kami pumunta papuntang Wirral. Lunes kasi ay aalis para sa Dream Vacation kaya nman ready na talaga ako. Ang hindi ko lang sigurado eh kung tama ba ang mga damit na nai-empake ko. Kasi nga last week ay maaraw na at feeling ko eh umpisa na ng summer pero kanina nakita kosa BBC News na nagssnow pa sa Italy? Pambihira nman. Mukhang maninigas ang lahat sa akin pagdating namin sa Italy. Kasyang-kasya pa nman ang baon ko hehe.. Walang pambilin g pangginaw kung sakali kasi nga libot lang ang type ko.

 

Hmmm.. mukhang nasabi ko na lahat ng pwede ko ikwento. So pano? pagpacensiyahan nio muna hako ngayon kung di makalibot hane? at gagala lang ako. promise babalik at babawi ako senyo.

Aligaga nga ba ako o Gaga lang ako?

Aligaga, ang kasing-kahulugan ay maraming ginagawa. sa Ingles ay BUSY at sa mga hindi naniniwala o pabirong-salita, pwede na rin ang bisi-bisihan.

 

Kahapon nga dahil ang ganda-ganda ng sikat ng araw at nag-ayaw si Habibina maglakad-lakad sa tabi ng beach.

104_2119Heto nga at dali-dali akong nagbihis ng pang jogging ko. Jogging sa alas tres ng hapon.. Hehe. Pero pwede na yun hano, napakalamig kaya ng panahon dito. Ang naiba masikat ang araw ngaun pero ang temperatura eh parang alas-singko na rin ng umaga sa Pinas. 

 

Reding-redi na nga ako to kaya pumose pa muna ako bago namin umpisahang tahakin ang daan patungo sa beach.

 

104_2132

Andito na nga kami sa Beach kaya take some picture muna .. ang lugar kung san kami nakatyo ay tinawag ni jamie na small beach. Ewan ko ba kung anong kaibahan. pero itong view na kinuhanan ko kung dun kami nagpunta, ang tawag daw ay large beach? ahahay! Naloka ako…

 

104_2135  Heto pa ang picture niya na nanghihinayang at mukhang nagbibilang ng Seaguls na lumalangoy sa tubig dahil natalo na nman sa scratch card ang loko.. hayan napala mo!.. hehehe.

 

Adik kasi sa scratch card si Habibi… Siempre masaya ako pag nananalo sia dahil sisigaw na nman ako ng “BALATO”. Sabay sapilitan talaga ako hihingi ng balato para me maisubi sa aking walang laman na pitaka. Pero pag natalo, kadalasan sinisisi ko pa hihihi.. Ang daya hano?

 

Siyempre pa nag-stay muna kami jan. Nagkulitan at nanood nga mga bata na naglalarao sa dalampasigan. Kasama siempre ang mga mommies nila. Nainggit tuloy ako ulit dahil nakita ko silang nagbabatuhan ng buhangin at nakikibaghabulan sa kanilang mga alagang aso. Ang iba nman ang nangongolekta ng shells at makikinis na bato. Pero bago pa ako mainggit at kulitin si jamie na gumawa na kami ng chitkiting patrol namin eh lumarga na kami pabalik ng bahay.

 

Gamit ang short cut napadaan kami sa kids park at sa ilang kabahayan na na napliligiran ng mga Daffodils. Naaliw ako siyempre. Kaya nman pinagpipicture-an ko sila at heto nga ang close up encounter ko sa kanila.

 

104_2142 104_2144

 

Ang gaganda talaga nila.. Kelangan ko na lang maghintay ng ilan pang linggo para nman makita kong mag-usbungan ang iba pang mga bulaklak gaya ng tulips at kung anik anik pa.

 

Pag-uwi ko wala pa rin naisipan kong Iluto si Lucky Me pancit canton para sa aming dinner. Hindi healthy kaya nman nilagyan ko ng shrimp, cabbage at carrots. ( Dahil yan na lang ang meron sa Fridge… huhuhu)

104_2149

O ayan, niluto ko pa yan na ako ay lumuluha. Hehe kasi nga meron ginawa si habibi na hindi ko nagustuhan. Kung hano yun eh secret na lang.. Ahihihi  ..Pero in fariness, tamang-tama ang alat nito kahit na nilagyan ko ng konting tubig para maluto ang mga gulay. Try nio magluto ng lumuluha at naku .. PERFECT ang timpla!

 

 

104_2152

At dahil Tampo mode ang lola niyo pati ang Fireplace ay napagdiskitahan ko. Sinimento ko ng bonggang-bongga. Nagawa tuloy sia ng di oras hehe.. Napapabuti pa yata pag ako ay naiinis kasi nagiging superwoman ata ako at sumasapi ang aking byenan sa katauhan ko.

 

Eto kasing fireplace na to ay nasira dahil na rin kay Jamie. Nagcrack sa side. At dahil baka abutin nman ng kung ilang panahon bago magawa, eh naisip kong simentuhen kesa magbasag ng pinggan sa kusina.  Sayang kaya yun? Ayan kelangan ko na lang ng makikinis na bato para ilagay next time.. at ayos na uli ang aming fireplace yihaaa!

 

PS.. Bati na kami after 30 minutes hehe… Kasi nahulaan na niya kung bakit ako na-upset. Ang tanong naging Aligaga nga ba ako o naging gaga lang ako? Censia na tinopak lang …

19 Mar 2009

MEEBO Day

Just lauched Meebo Life Away Chat Tambayan .. So in case you’re in my site and i am online you can chat me live. Check it on the left side.

 

Tayo nang magchismisan hehehe.. See you there…

18 Mar 2009

Paniniwala ko o paniniwala niya?

Hmmp.. Napakasakit ng bunbunan ko ngayong araw na ito. Hindi ko alam kung epekto ba ito ng pakikipag argumento ko nun nakaraang gabi kay Habibi patungkol sa Bibliya o ano. Pero mukhang malamang sa sumakit ang ulo ko dahil napuyat ako sa pagdedepensa sa aking paniniwala.

 

Naalala ko ilang buwan na ang nakalipas ng bumista ang kaibigan ni habibi na kilalanin na lang natin sa tawag na Mr. D. Hehe.. Eh kasi ba nman three days nag-stay dito. Ayos nman ang kanyang pagbisita. Wala silang ginawa ni habibi kundi magpustahan sa Wii sa larong PGA 09. o di nga ba sa larong wii eh para din silang totoong nag-go-golf. eto na, madalas sa abutin kami ng 3am sa pagkkwentuhan at paglalaro. At take note KAMI. hehe kasama ako kasi nga hindi ko nman ugaling di na lang pansinin ang bisita. siempre kahit papano eh bumababa din ako mula sa aking lungga at naghahanda ng pagkain at nakikipagkwentuhan.

 

Nung kanyang huling araw, napagdiskusyunan namin ang tungkol sa pananampalataya. Si Mr. D para sa kaalaman ng lahat ay hindi naniniwala sa Diyos. Bagama’t alam ko na na ganun na nga ang kaniyang paniniwala eh naging mapagmasid at maayos na tagapakinig ako habang sila ni habibi at nagaargumento.

 

Sabi ni Habibi, ilang beses na nilang pinagtalunan ang tungkol dito. Na ang Diyos ay hindi nag-eexist. Sa patuloy na pagdidiskusyon, hindi ko na kinaya ang mga sumunod na pangyayari. Nagpanting ang aking tenga ng ako ay tanungin niya nang,

Ikaw ba Edna, naniniwala ka ba na may Diyos? Sabihin mo sa akin na hindi.. Pakiusap … (translated sa tagalog )”

Naniniwala ako na may Diyos “ Maikli kong pahayag na talagang seryoso.

Naniniwala ka na ginawa ng Diyos ang Langit at lupa? ang lahat sa mudo sa loob ng anim na araw at sa ikapitong araw ay itinalagang araw ng pamamahinga?” tanong niya muli.

Naniniwala ako..  “ pahayag ko ulit.

Paano ka nakakasiguro na Diyos nga ang gumawa ng lahat ng iyan pati na ang lahat ng bagay na nabubuhay sa mundo. Na Diyos nga ang nagbigay buhay sa tao?…Paano pag kayo ay nagkaanak? Yan din bang paniniwala mo ang ituturo mo sa kanya?” tanong niyang walang katapusan.

200% .. Kung ano ang paniniwala ko yan dina ng ituturo ko sa mga anak ko. Dahil yan ang nararapat…” matigas kong sagot

Kawawa nman ang magiging anak niyo. Gagawin mong miserable para lang paniwalaan ang Diyos na hindi nman totoo.. Aalisan mo sila ng karapatan na paniwalaan ang tama.. “ sagot ni Mr. D.

Napipikon na ako sa mga huli niyang mga katanungan na tingin ko ay talagang sinasadya niya upang ako ay inisin. Ipinipilit niya kasi ang kanyang paniniwala sa Evolution of Man ni Charles Darwin. Pero hindi ako naniniwala sa syentipikong paliwanag na ang tao ay nagmula sa isda o sa unggoy. Matatag ang paniniwala ko na Diyos at tanging Diyos lamang ang nagbigay buhay ng lahat sa mundo. Tinanong ko siya…

 

Paano ipapaliwanang ng siyentipiko ang lahat ng buhay na meron sa mundo? bakit may hayop ? bakit may mga halaman? bakit may mga tao? bakit may kanya-kanyang kapasidad ang utak ng bawat buhay na ito? “ Yan ang tanong ko .

“… At paano mo ipapaliwanag ang mga pagkain na ipin-rovide ng panginoon para sa atin. Ang ibat-ibang klase ba ng prutas na makikita mo sa gubat ay kaya bang patunayan ng iyong teyorya?” Pahabol na tanong ni Habibi.

batid kong hindi niya masasagot ang lahat ng balik-tanong namin sa kanya dahil alam kong tanging Diyos lang ang makakapagpaliwanag ng lahat. Ngunit bigla niyang sinabi..

kapag nasalubong ko ang Diyos na pinaniniwalaan niyo sa daan o kahit saan, mabilis kong ipupukol ang palakol sa kanyang ulo…” yan ang mabangis niyang pahayag.

Hindi ko na talaga kinaya ang pambabastos niya sa Diyos sa mga oras na iyon. Hindi ako Katoliko at hindi ko alam kung ano ang relihiyon mayroon ako sa oras na ito pero alam kong merong Diyos. At siya ay kinatatakutan ko. Kahit na sabihin natin na hindi ko SIYA nakikita at hindi lahat ng hiling ko ay natutupad. Kahit na binibigyan niya ako ng problema, kakapit lang ako sa KANYA.  Ito ang dahilan kung bakit kahit hindi akon isang Katoliko ay pinipilit ko na huwag makalimot. Hindi ko man perpektong nabubuo ang simba sa loob ng isang taon pero ako ay pumapasok sa Simbahan ng Katoliko dito sa aming Village para magpasalamat sa lahat ng ibinibigay niyang tatag ng loob sa akin dito sa banyagang lupain.

 

Pero ang sumunod na nangyari, bigla kong naramdaman masakit ang loob ko. Bakit kailangan niyang bastusin ang paniniwala ng iba? Kung hndi siya naniniwala, bakit kailangang inisin at tratuhin niyang parang hayop ang Diyos na pinaniniwalaan ko simula’t sapul pa?

 

Natagpuan ko ang aking sarili na umiiyak sa kuarto namin ni Habibi. Iyak ako ng iyak na parang ako ang sinasabihan niya ng masasakit na salita. Hindi ko alam pero ang sakit talaga ng loob ko. Ilang oras kong dinamdam ang argumento na iyon. at Hindi na ako lumabas mula noon makapasok ako sa kuarto hanggang sa nakauwi na nga sia sa kanyang sariling bahay. Mula noon hanggang ngayon, wala na kaming balita pa sa kanya. Yan ay desisyon na rin si Habibi upang hindi na magulo pa ang aming isipan sa katotohanan na aming kinamulatan.

 

Kagabi, nabalik sa dati ang aming argumento ni Habibi. This time, ang diskusyon namin ay nauwi sa Bibliya. Na ayon sa kanya, siya ay naniniwala sa Diyos pero hindi sa nasusulat sa Biblia. Ang sabi ko nman masyadong malawak ang talakayan pagdating sa bibliya. Maraming tao na rin akong kilala na madalas pagtalunan ang paniniwala at ang laman ng Bibliya pero ang sabi ko sa kanya bago mauwi sa kung saan ang pagtatalo namin, Ipangako niya na kahit na anong mangyari, iisang Diyos pa rin ang paniniwalaan niya. Ang Diyos na kinamulatan ng bawat tao.. ng bawat nilalang..

 

Marami ring tanong si Habibi na hindi ko masagot pero sigurado ako na nasa tama ang paniniwala ko. Sabi ko sa kanya kung binigyan man siya ng malaking problema ng mga nakaraang panahon na naging dahilank ung bakit kailangan niyang tanungin at subukin ang pananampalataya nia sa Diyos, wag na wag siyang bibitiw. Kahit sabihin nan natin na mejo confusing ang ibang nasusulat sa Bibliya wag niyang alisin ang pananalig niya sa puso niya. Yan lang ang nasabi ko sa kanya kasi nga puputok na ang brain ko sa pagpapaliwanag hehe..

 

Bago ko pala tapusin ang aking post. Para sa kaalaman ng lahat, dito sa lugar kng saan ako naroroon, masasabi kong 80% ng mga tao dito ay hindi na naniniwala sa Diyos na gaya ng kinamulatan natin sa Pilipinas. Kaya sabi ko kay Habibi, kung sakali ako ay magkaroon ng mga chitiking, gusto ko sa Pilipinas sila lumaki at mamulat ng moral values.

 

Teka ikaw? ano ang gagawin mo kapag naka-encounter ka ng kagaya ni Mr. D? Ano ang mafefeel mo pag narinig mo sa kanya ang mga tinanong niya sa akin?

Heart Tag

heart-1

Thanks Meryl for tagging me. I’ve enjoyed answering these questions… Para akong sumasagot ng exam hehe..

A# Attached or Single?
Attached
B# Best Friend?
marami sila pero nasa iba-ibang bansa na sila.
C# Cake or Pie?
Both.

D# Day of Choice?
Everyday.. wala nmanpagkakaiba kasi plain houswife lang ang lola niyo..

E# Essential Item?
Laptop.. mobile yan lang siguro basta meron internet ayos na ako

F# Favorite Color?
green, black, brown, lilac, powder blue

G# Gummie Bears or Worms?
Gummie bears...
H# Hometown?
Nueva Vizcaya nun high school .. nueva ecija nun college hehe dami no .. NPA ako weh
I# Favorite Indulgence?
wala nman kahit ano kakainin ko .. di ako mapili hehe

J# January or July?
July... birthday ko yan eh hehehe… ( dami gift yahoo excited na ako!)
K# Kids?
i love kids.. pero wag masyadong makooleet…
L# Life isn't complete without....?
pag wala si Habibi… mamimiss ko siya weh..tsaka un isang tasang kape every morning.
M# Marriage date?
March 3, 2008
N# Number of magazine subscriptions?
hehe wala.. gastos lang yan.. mag surf na lang ako parehas din...
O# Oranges or Apples?
apples ..

P# Phobias?
yoko sa ahas .. me phobia ako dun weh..

Q# Quotes?
Time is gold na lang para maikli haha

R# Reasons to smile?
-at the moment, magbasa ng mga post ng mga ka-blog..

S# Season of choice?
Summer.. naku ha pumuputi na ako kaka balot ng katawan hehe
T# Tag five people.
Ate Liza, Anney, Marife, madz, Ate clarissa

U# Unknown fact about me?
kalogs ako to the max.. Ssasakit ang panga mo kakatawa pag kasama mo ako … naks :d

V# Vegetable?
saluyot.. promise gusto ko ng madudulas hehehe.. ( ano yang iniisp mo ha ?)

W# Worst habit?
magblog maghapon ng walang hilamusan haha

X# X-Ray or Ultrasound?
naku na-try ko na to parehas eh .. pero id go for ultrasound .. mas ayos kesa sa x-ray

Y# Your favorite foods?
di mabilang eh .. baka lalo humaba un tag hehe
Z# Zodiac sign
Cancer


(To my co-bloggers I would like to share this to all of you ...so grab it now!!!)
Thanks for viewing!

Sisterhood Award

sisterhoodaward

Meryl , one of my new acquaintance here in blogosphere gave this award to me yesterday. So, I’m grabbing it now! Thanks Meryl for including me as your sisterhood in this blogosphere world.

Here are the rules:
1. Put the logo on your blog or post.

2. Nominate at least 10 blogs which show great Attitude and/or Gratitude!

3. Be sure to link to your nominees within your post.

4. Let them know that they have received this award by commenting on their blog.

5. Share the love and link to this post and to the person from whom you received your award.


I’m giving this award to all the readers of my blog. Post this and admire the beauty of Sisterhood in the blogosphere world.

Pagbabalik-tanaw sa simpleng buhay!

Matapos kong humanap ng sideline kanina para sa aking babaunin sa maikling bakasyon eh heto na nga ako kasama si habibi sa aming bahay. Excited akong naglinis ng kuarto habang iniisip kung ano-ano ang mga kailangan kong dalin sa bakasyon-grande namin ni habibi. Hmmm.. Isang linggo na lang kasi at makakarating na rin ako sa lupain ng mga taong mahihilig sa pasta at lugar kung saan ang katoliko ay naging sentro ng talakayan ng buong mundo. Wow ha? san ko ba hinugot ang kaalaman na yun? hindi ko nga rin sigurado kung tama ba ang source ko. Heniway, yan nga ang alam ko. baka sakali pag nakarating ako eh madagdagan pa ang kapupot kong nalalaman.

 

Linis ako ng kusina at nakita ko ang rice cooker ( naks! sosi) na halos kalahati pa ang laman na kanin. Sus ginoo! Itatapon ko na nman ba ito kapag hindi ko nakain? Binuksan ko ang refrigerator ( isa pa yan! hehe wala kami niyan sa probinsiya !) at nakita ko meron pa nman pala akong natitirang Chinese Cabbage. Maliban sa dalawang itlog at ilang piraso ng bacon eh wala ng ibang laman ang aming fridge. Minabuti kasi namin na huwag nang mamili ng pagkain gayong kami nman eh aalis. Saka na kami mamimili pag nakabalik na kami.

 

O heto na nga, kakaisip ng pwede kong maluto, biglang nag-tingaling ang aking isip. tamang-tama, meron pa akong Mega sardines na natira sa cupboard. Ayos! tutal namimiss ko ang pagkaing probinsiya, heto ang aking naisipang iluto.

 

104_2112 104_2115

 

At dahil naisip ko sa panahon ngayon kelangan magtipid at maging wais, naisipan kong isangag na lang ang kaning-lamig na nakita ko sa akin rice cooker kesa ipainit. Para naman maiba hindi ba? Konting bawang at sibuyas, ayos ang buto=buto. (Actually mas masarap sana kung mejo marami ang bawang nito.. pero pinaghati ko na lang para nman maigisa ko ang aking ulam ) At mula sa chinese cabbage at mega sardines na natagpuan ko sa aking cupboard, nag-gayat ako ng sibuyas at bawang para igisa si mega sardines at cabbage. Eto ang aking naging din-din ( dinner). siguro merong ilan na hindi magugustuhan ang pinagpartner kong hapunan pero sanay kasi ako sa pagkaing kagaya nito. Kung ako nga ay nasa aming probinsiya, malamang sa talbos ng kamote ang isinahog ko dito. Bakit nga, sa aming bahay-kubo, meron akong mga tanim na kamoteng-baging at saluyot sa aming bakuran. At etong chinese cabbage na kilala ko sa tawag na Omboc or baguio cabbage ay isa nang gulay mayaman sa aming baryo. Madalang ang nakakabili nito sa totoo lang. At kaya nman kaibigan ko si sardinas eh kasi nga madalas na kami ay maiwan ni mudra at ni mudro ng isang buong linggo at itong si sardinas lang ang aming karamay sa panahon ng taggutom. Inuutang pa namin yan sa kumare ni nanay hehe. Ang bayad eh kapag kami ay nakaani ng palay o di kaya sibuyas at iba pang gulay na meron kami sa bukid.

 

Tulad nga ng nabanggit ko, madalas na maiwan kaming apat na magkakapatid na meron lamang sampung piso naiwan mula sa panganay. Yun ang ibibili namin ng isang takal na bagoong, vetsin o asin kapag kinailangan. At madalas, tuwing Biyernes ng hapon pagdating nila madir at padir galing ng bukid sakay ni Samsom ( ang aming baka) meron na silang mga dalang sitaw, talong, saluyot, papaya, kamatis, petchay, bayabas, mangga, luya. hehe at maraming pang iba. Yun ngang mga gulay na nabanggit sa bahay kubo naitanim na ni tatay yun eh hehe. Kaya nman kumpleto rekado. Ang sama nito dahil pana-panahon nga ang pagtatanim ng gulay madalas na napupurga kami sa gulay na inaani. hehe nakakasuya talaga. Tulad pag panahon ng sitaw, mula inabraw, adobo at kung ano ano pang resipe mula sa sitaw matitikman namin. Pag hindi ba nman mapanaginipan mo pa. Iba nman pag panahon ng kalabas. Nakupo, lahat ng klase ng luto ng kalabasa winner na nman ang nanay ko. Pati okoy tinira. hehe.. Eto ang masaklap, pag panahon ng sibuyas, winner sa ginisang sibuyas. habang meron sibuyas na available yun ang uulamin namin. GInisang sibuyas na nilagyan ng itlog ang kadalasan. Pag kami eh pumasok sa skul, huwag na huwag kang uutot at malamang kilala na nila kung sino ang salarin. Kami lang kasi ang nagtatanim ng sibuyas nun araw sa aming baryo hehe..  Kaya jusko, nakakakaba talaga. Obligado bago mag-first bell nailabas ko na ang lahat ng masamang hangin kung ayaw kong magsabog ng lagim sa skul wahehehe..

 

Pero alam niyo ba, ngayon na hindi ko na natitikman ang mga lutuin at payak ng resipe ni mamu, namimiss ko sila. Gusto kong kumain ng tinapa na sinasaw-saw sa tinadtad na punlang sibuyas na inihalo sa alamang at kamatis pero hindi ko magawa. Gusto kung kumain ng tinola na ang tanging sahog lang ay knor cubes at talbos ng malunggay. Tapos apg tinanong namin si nanay “ Tinola ba ito Nay? Nasan ang manok? “ Tapos sasabihin nman ni Nanay.. “ Anak, tinola yan, lumipad lang yung manok….” O hindi ba? nakakamiss yun? Heto pa ang namimiss ko, buong taon halos mabibilang ko lang sa aking daliri kung kelan kami makakatikim ng karne ng manok o baka. Karne na manok kadalasan iniaadobo ni nanay yan. yan eh sa tuwing meron kaming exam sa skul hehe. Ang sama nito minsan pag niluto iyan ni nanay bago pumuntang bukid isasabid niya sa aming kisame yan kaso madalas nauunahan kami ng alaga namin pusa. Pag darating kami isang kaserolang walang laman na lang. Nakulti na ang utak mo sa pagsagot sa test paper tapos iniisip mo na darating kang meron adobong manok na paghahati-hatian namin pero wala pa, eh di mauuwi na naman kami sa sardinas. Wag niyo nang itanong kung bakit lagi sinuswerte si muning dahil sa noon sa aming probinsiya hindi kami gumagamit ng refrigerator. Hehe makaluma kami dun. Ang pangluto namin ay kahoy na madalas maging dahilan kung bakit lagi akong huli sapagpasok lalo na pag taglamig. Isipin mo ngang magparingas ng kalan na basa ang kahoy hehe. Gamit pa namin ang pinutol na kawayan at ihip dito at ihip dun ang gagawin. Alin sa dalawa ang mangyayari, pumasok kang me uling sa mukha o maitim ang butas ng ilong. Madalas mangyari sa akin yan! Pero ganun pa man, hindi ako nagsisisi sa aking kabataan. Kasi nga, kung hindi ko naranasan iyon, malamang din na hindi ako matapang sa pakikibaka. Katunayan lang yan, na kung sakaling dumating ang kagipitan sa aking buhay na kinailangan kong magitpid, kaya kong mabuhay na simple katulad ng dati.

 

Di ko man naranasan makahawak ng malaking baon sa pagpasok sa skul pero at least nakakabili ako ng pisong palamig o ice candy na gawa sa milo at isang pirasong saging na saba. Masasabi kong maswerte pa rin ako kumpara sa iba. Pero tulad ng sabi ko, walang pagsisisi sa akin. At least hindi ko man nasulit at naranasan ang kaluwagan sa buhay nun aking kabataan, naging ok nman ang aking buhay ngayon hindi ba? No regrets eka nga!

17 Mar 2009

A to Z About Me

Something for fun!
This is a meme from Anney. Thanks for tagging me Anney!
This is a long one! Just copy and paste then replace my answers with your own and tag as many of your friends as you'd like.


A
- Available: Nope
- Age: 27
- Annoyance: Makoolet lol!
B
- Beer: nope
- Birthday: July pa

- Blind or Deaf: wala sa nabanggit
- Best weather: summer anofa!

- Believe in Magic: nope
- Believe in Santa: nope
C
- Candy: anything
- Color: green, brown, black, powder blue, lilac

- Chocolate/Vanilla: chocolate
- Chinese/Mexican Food: chinese
- Cake or pie: both
- Continent to visit: Europe (lahat hehe)
- Cheese: no no no.. dont like cheese
D
- Day or Night: night
- Dancing in the rain: tumatalon pa

E
- Eyes: brown daw sabi ni habibi
- Everyone's got: talent lol

- Ever failed a class: ay oo hehe
F
- First thoughts waking up: What time is it? ( same kay anney)
G
- Greatest Fear: to die on a car accident or fire
- Goals: to have kids, better work and petition my family here in UK
- Gum: double mint hehe
- Get along with your parents: at the moment yes hehe

H
- Hair Color: black
-Height: 5’3’’
- Happy: yes
- Holiday: Christmas
- How do you want to die: basta yun hindi na lang nagising.. ayoko mamatay ng duguan o nasasaktan at nahihirapan
I
- Ice Cream: paminsan-minsan lang
- Instrument: gitara
J
- Jewelry: necklace the the moment
- Job: tagalinis ng beach house haha
K
- Kids: wala pa nga .. kainis!
- Kickboxing or karate: karate
-Keep a journal: oo nman tong blog hehe
L
- Love:is magic ang unexpected.
- Laughed so hard you cried: always

M
-Milk flavor: ano yun?
- Movies: action, love story and comedy

-Motion sickness: yes

McD’s or BK: mcdo
N
- Number: 3
O
- One wish: a baby girl sengihnampakgigi
P
- Pepsi/Coke:both
- Perfect Pizza: with lots of toppings
- Piercings: ears
Q
- Quail: itlog ba to ng pugo ? linawin mo nman hehe
R
- Reality T.V.: PBB,Pinoy fear factor, PDA lahat ng ABS CBN Reality show hehe

- Radio Station: eh kailangan pa bang imemorize yan?
- Roll your tongue in a circle: hindi
- Ring size: S yata ako hehe bakit bigyan mo ko ng diamond?
S
- Song: love songs madalas
- Shoe size: UK 4
- Salad Dressing: di ako mahilig sa salad
- Sushi: minsan pa lang ako nakatikim nito di masarap
- In the "Shower": I sing
- Strawberries/Blueberries: strawberries
T
- Tattoos: none
- Time for bed: late lagi eh .. between 1-3 am
- Thunderstorms: takot ako
U
- Unpredictable: sometimes
V
- Vacation spot(s): Italy
W
- Which one of your friends acts the most like you: Lou
- Worst feeling: diarrhea and migrane
- Worst Weather: bagyo
X
- X-Rays: na-experience ko na pinagtanggal ako ng saplot huaahh

Y
-Year it is now: 2009
-Yellow: is the color tutuli .. yaiks

Z
- is for:Zaldy my brother

- Zoo animal: giraffe .. hehe

I'm now tagging anyone who wants to grab this! Have fun!

16 Mar 2009

Beef Stew for my hungry Habibi!

I decided to cook some Beef Stew for Habibi today as requested. After I’ve finished talking to the SeaSide View Owner earlier I blog hop for a while and answered some comments on my Post entry yesterday and earlier. It was about Recording Trip I’ve made during Homesick moments. I decided to upload and share it here in blogosphere.

 

While I’m blog Hopping, Habibi was watching an all time classic film of Al Pacino entitled SCARFACE. I told him to watch it as it has a good storyline. ( You might find it interesting as well if you want to watch it ) .I then leave him to watch the whole film and then he texted me afterwards asking if I can cook a Beef Stew for him tonight. Yes we are also using our mobile even if I’m just upstairs and he’s just few steps away from me. You might be shock if I told you that he is also calling my mobile just to say “ MAHAL KITA.. BABY!”.. And I replied back , “ Yeah Sure no problem … For you, I’ll cook whatever you tummy desires..”

 

He then go straight to the shop to buy some ingredients for the meal including fresh beef chunks from the butchers. And when he got home, I started making the dish.

 

104_2085I love this dish not only because its one of the yummy dish but it is easy to make. All you have to do is to dice everything and throw it in your pressure cooker. Puts some ingredients and bring it to boil till its tender and you will have a nice Beef Stew. ( This is also recommended during cold season).

 

Check the picture for the finish product of my recipe.

 

Believe me it is really easy. You can make it even when your eyes is shut. Lol.

 

Try visiting this site for the complete direction on how to make this yummy meal.

 

BEEF STEW RECIPE

RECORDING TRIP PA RIN!

Naloka ako sa mga comments ng aking mga ka-blagista sa aking album na ginawa. Na tulad ng nabanggit ko eh ako lang ang may kopya. Lol. Ayun nga ang sabi ni kuya payatot ay ma-echo hehe. talaga nman ma-echo dahil pilit kong pinapaganda ang boses ko na sadya nman panget talaga. Si ate issa nman ay naloka sa nag-uurong na background sa isa kong kanta. Pero meron isang naniwala sa aking pagkanta at pwede ko bang sabihin na humanga?? ( yaiks! Ang kapal ko nman ) Si Anney ang aking tinutukoy na matapos kong mapagkamalang isang butihing ina ay isa palang dalaga .. ( Para tuloy akong pinitpit na suso neto hehe.. kakahiya nman ). Inassume ko lang kasi nga kamukha niya. At sa iba pang mga nag-comment sa recording ko, kahit good or bad eh hindi ako nagagalet. hehe masaya pa nga ako at mamomotivate ko ulit ang aking sarili sa pagkanta.

 

Dun sa komento nga ni Anney, tinanong niya ako kung ako nga weh sumasali sa contest. Twice pa lang ako nag-attempt at yun eh hindi ko pa alam na dun pala ako sa Star In A Million Audition idadala ng aking friend. Jusko nanginig ang bahay-tae ko ng kami ay pumila kasi nga televized na ito. Pero expect the expected hehe.. Dahil failed ako. Kahit biniritan ko ng To Love You More un matabang judge at ung member ng The Company eh hindi umepek kasi nga hindi ako tumingin sa camera hahaha. isa pa lumagpas ata ako sa bilog na stage kaya na-technical haha. Eto pa ha, yung aking tape eh hindi tumugtog kaya nag-acapella ang lola mo. eh di ciempre nanginig na naman ako. Kung naka-experience na kay sa pag-aaudition sa ABS-CBN nakupo sisiguraduhin kong hindi madali. I think batch pa nga yata ni Frenchi Dy yun contest na yun at isipin nio nman ang boses nia sa boses ko. Sa sobrang taas nun boses ni Frenchi Dy eh pwedeng makabasag ng bote ng gin hano.

 

Ayun nga .. mabalik ako sa audition, isa itong mahabang pila na kahit cguro dumating ka ng pagka-aga-aga eh dadatnan mo pa rin mahabang pila. Tapos siempre meron ibang mga gustong sumali na meron backer sa loob at timer na sa pag-aaudition. Somore or less alam na nila ang pasikot-sikot sa pag-aaudition. Ma-de-dehydrate ka rin sa pagpila dahil sa napakainit at magkaka-ulcer ka dahil hindi ka makakain. Kapag umalis ka nman kasi sa pila mo eh sisingitan ka ng iba. ewan ko lang kung ganyan pa rin ang pilahan ngaun. Eto pa ha, siempre isama mo na un varicose veins na makukuha mo sa maghapong pagtayo. Idagdag mo na rin ang mga nakakabaliw na pabulong ng pagkanta ng iba pang nga aspirant maging singer. Meaning nagppraktis sila habang matiyang nag-aantay ng pagkakataon nila. Uahhh!! Ako nga eh naisalang ako alas-sais ng gabi. Walang kainan! mantakin mo, nun time na kumanta ako wala na akong lakas at nanunuyo na ang lalamunan ko. Tapos kinakabahan pa naku eh babagsak nga.

 

Yun next na experience ko eh sa isang mall nman. Sa Channel 5 nman ata yun . nakalimutan ko na ang title ng programa pero eto un meron GONG pag nasintunado. Un mismong program kung saan sumikat si Ethel Booba. Nun time na un ang nagpa-audition eh si Pops Fernandez. Pero ang sama nito yung first 100 lang ang pwede maisalang. 101 ang number ko ! Damongkles pag minalas ka talaga hano? O, kaya naman nauwi kami sa pag wi-window shopping ng mga kaibigan ko. San ka pa! Ang sumikat nman sa contest na yun eh yung komedyanteng mahaba ang baba. Hindi ko alam ang name pero nasa pelikulang Kasal-Kasalo-Kasali at Sakal-Sakali-Saklolo siya. O ayan me Idea na cguro kau kung sino sia. Siya ang mother ni Baby Johnson sa pelikula. Isa sia sa mga nakapila nun araw na iyon. Kaya nman ako eh hindi na nagtry after nun. maging sikat na singer na lang ako sa loob ng aming pamamahay. Kaya heto, sabi ni Anney eh member sia dati ng Singsnap. Eh ako rin member din pero long time ago na yon.. Kaya naisipan kong ipost muli ito. heto ang isang na-record ko mula sa site.

 

Nai-play mo na ba? Pacensia na at singing at recording trip ang gusto ko ipost sa mga panahong ito na nakakaloka. With video na yan kaya makikita niyong ako talaga ang kumakanta. hehe baka sakali makumbinsi ko kau na magaling akong kumanta.. Magaling akong kumanta .. ( ang kapal ng mukha ko talaga oo )

 

Hayan pa. Nahirapan akong abutin ang nota niyan ng pinipigil ang boses hehehe.. Tumatawa ka na hano? Ako rin natatawa sa kalokohan ko dito. ganun pala ang hitsura ko pag kumakanta. Nalulukot ang mukha haha..

 

Ngayon, kung ikaw ay nasa ibang bansa at nais mong magrecord din na kagaya nito. O kahit na saang lupalop ka  naroroon, magrecord ka na rin at nakakaaliw talaga. KALUTKUTIN MO DITO KUNG PAANO. Pihadong magiging artista ka rin sa loob ng pamamahay nio. 100% Sure yan .. Ikaw lang ang fans ng sarili mo. hehe Kaya ako ipinost ko eh baka sakali madagdagan ang fans ko maliban sa akin hihihi

15 Mar 2009

Frustrated Singer!

4 hours na yata akong gising at nakatutok na ako kaagad sa harap ng PC. Medyo masama pa ang gising ko niyan kasi nga meron nag-doorbel ng kaaga-aga. Este tanghali na pala, yun nga lang antok pa talaga ako kasi nga Sunday ngaun. So ayun balikwas ako kaagad nun tumunog ang doorbell. Eh kung hindi niyo naitatanong, ang doorbell namin eh yun makalumang doorbell na siguradong pag ikaw eh merong hawak na isang tasang kape eh yun tipong maiiitsa mo talaga sa sobrang lakas. Pag nga yun kapitbahay namin eh nandito at biglang me nagdoorbell parang aatakehin sa puso sa sobrang pagkabigla. Eto pa Isipin mo na lang kung na-eemote ka tapos biglang tumunog ang hinayupak na doorbell pihadong hihiwalay ang kaluluwa mo sa sobrang gulat. Nakakawindang talaga! Ganyan ang naranasan ko kaninang umaga. Nananaginip pa nman ako na nanalo ng 200,000 pounds sa scratch card tapos bigla tumunog ng nakatutulig! Sayang akala ko totoo na! Hay naku umuugong pa ang tenga ko na napabangon na nga at dumiretso sa pagbblog hop. Pero dahil sa nawili ako kaka bisita ng mga site, eto nalimutan ko tuloy magpost.


Eniwey, ang aking entry ngaun ay ang aking recording. Dahil wala akong maisip ipost, ipost ko na tong ginawa kong album na ako lang din ang may kopya. Naks! Hindi nman talaga ako magaling kumanta. Hilig ko lang talaga. Hehe Frustrated singer nga ako weh, pero si mudra, siya ang singer nung araw. Kumakanta siya sa isang AM Radio station sa Nueva Ecija nung kanyang kabataan. Tapos kasi nga maagang lumandi si mamu, ayun nakipagtanan kay itay. Kaya ang kanyang singing career ay napabayaan. Hanggang sa nagkapamilya na nga siya at naipasa sa amin ang hilig niya sa pagkanta. Hindi kasing galing niya pero ina-assume ko na nasa tamang tono ako hehe. Heto ang ilan sa mga sampol:


Recordings


O hano? papasa ba sa panlasa niyo? Sabi ko sa inyo, yan nag dahilan kung bakit ako lang ang me kopya hihihi.. Sabi nga sa kanta ni Nonoy Zuniga eh “ Ang aking Inay ang tangi kong tagahanga…!” Arekup kasaklap nman ng katotohanan na yun hehe.


Bueno-bueno-bueno.. matagal tagal ko naipon ang mga kantang yan na sa palagay ko eh siya nang pinakamaayos na narecord ko. Eto ang mga meaning ng kanta na yan para sa akin :

1. All of My Life - yan ang madalas ko kantahin kay habibi pag kami lamang dalawa at tipo kong haranahin siya.

2. From the Start - Sablay ako sa kantang ito dahil tingin ko eh pumiyok na parang manok ang lola niyo. Kaya tinantanan ko na. Talagang kulang na sa praktis.

3. We Belong - Kapag kinakanta ko ito kay Jamie habang nag-iinuman kami ng amingmga kapit-bahay dito eh kinikilig si Aling Brenda at si Mang Andy hehe.. Kasi nga We belong di ba?

4. Kailan - Nagkataon lang na nakanta ko to nun minsang naglibot ako sa Youtube. Wala lang kasi nga eh napanood ko sa A very special love hehe.. BTW ang gma rocerd po na ito ay walang pratisan hehe.. Tingnan nio sa background at meron pang nag-uurong. Ang damongkles na Carmie nagdadabog pa ata nun naghuhugas ng pinggan. lol

5. Kahit Sandali - Hmmmm nahiya ako kantahin ito kasi dumating un kuya ko at hipag ko. Pakinggan sa mga huling parte nito at meron busina ng kotse hehe.

6. Love Hurts – Pihadong magugulat kayo kasi ang intro nito ay hindi Love Hurts. Mixed songs ito pero naisipan ko na rin ipost kahit na tumatalon ang CD ko nun nirecord ko ito.

7. Because of You – Kinanta ko ito sa Wedding ng college friend ko sa simbahan ha. At minamalat pa ako nun time na yun pero nakanta ko nman ng maayos. Ang siste meron isang mama na nagustuhan ata ang boses ko at nagrequest pa sa loob ng simbahan na pwede daw bang kanta ni Sharon Cuneta naman. Hello?? Nasa altar ako nun mga time na yun tapos ginawang bar ni manong hehe. Kaloko hano?

8. Only Reminds Me Of You – Sinusi ko ang pinto ng aming kuarto ng nirecord ko ito para hindi ako maabala ni Habibi. Sukat nag- BUZZ sa aking YM. Ayan nasa record pati yung Buzz. hehe

9. I’ll say Goodbye for The Two Of Us – Nun time na nasa Pinas si Jamie para ako bisitahin at kami eh nagkatampuhan. Kinanta ko ito sa aking Magic sing at nilakas ko ng todo hehe. Naiinis kasi ako nun sa kanya eh tapos mukhang tinablan nman sa mensahe ng kanta kaya nagsorry siya agad.. Ayaw daw niyang mag-goodbye hehe.

10. Push the Button – Eto naman narinig ko sa kapatid ng hipag ko. Medyo pilya ang lyrics ng kanta na to pero pinagtyagaan kong kabisaduhin kasi nga mejo masaya at nang maiba nman ang aking mga kinakanta. Ipinalit ko ito sa kantang I Will Survive na madalas kong kantahin nun araw. Luma na kasi yun lol

11. Girl in the Mirror – Etong kanta na to ang madalas naming kantahin ng aking College Friends. Nirerecord din namin ito nun araw, nga lang dinig pati yun pagbahing nun katabi ko sa sobrang makalumang pagrerecord. Hehehe Trip kong kinakanta ito pag ako eh nag-eemote tapos nakaharap sa salamin. Ayos!

12. So Slow – Heto naman all time favorite ko talga ito eversince na natuto akong maghulog ng 5 pesos sa Videoke na hiniuhulugan. Hehe Dedicated din ke habibi kasu ang bagal niya pumorma nun ako eh nililigawan niya.

13. Underneath your Clothes Eto naman eh kinakanta ko lang ng madalas nung kami ay mag-asawa na ni Habibi. Kung ano ang dahilan ay alam nio na yon. hehehe ( Aww!)

14. Sundo - Gustong-gusto ko talaga ang kanta na ito mulang nun una kong marinig sa program dati ni KC Concepcion about Paris. Ang ganda lang ng lyrics pero pacensia na sa version ko at muntik na atang pumiyok lol kaka-ipit ng boses. Kung nasa Pinas ako eh kahit maghumiyaw ako maabot ko lang ang nota lol!

15. My Immortal - Pagtapos ko perpekin ang Bring Me To Life ng sumikat ang singer ng kanta na ito, eto namn ang pinagpraktisan ko. Mas maganda sana kantahin ito ng me echo kaso ang aking recorder eh kulang sa sound card lol. Hindi tuloy kinayang pagandahin ng equalizer ng Mono ang aking boses.. hasus!

16. If I Ain’t Got You – Kasama ko ang mga ka-officemate ko nun kantahin ko to matapos namin mananghalian sa aking apartment isang araw na malakas ang Ulan. hehe.. Tingin ko bumagyo nga matapos ko kantahin to eh.

Pagpasenciahan niyo na ang recording kung minsan eh naliligaw ang aking tono. Kasi nman mahirap kumanta ng tahimik dito sa UK hehe. Isa pa, etong mga kantang naririnig nio eh nirecord ko lang gamit ang aking PC. Kasi nga pakiramdam ko nangangalawang na ang aking vocal chords hehe.. Tingin ko eh habang tumatagal parang nakakalimutan ko nang kumanta at bumirit lol! Asa pa ako!Pang-aliw lang kaya ko naisipan magrecord. Kumakatok pa sa dingding ko niyan ang kapitbahay namin habang nagwawala ako sa pagkanta. Kaya tuloy ipit ang boses hehe.. ( nagpaliwanag pa eh no? Walang dahilan eka nga hehe) Kung makakalusot lang.. nasa saiyo na kung pipiliin i-stop ang player o tuluyan nang iwanan ang aking blog. Basta ako eh frustrated singer hehe! At least narinig niyo na ang boses ko. Hindi pa ako slang promise! meron pa accent at hndi pa natutunan ang tamang pronounciation ng words hihi.

P.S. Ang mga recordings ko ay nasa dalawang format, Stereo at Mono. Kung sa tingin niyo ay hindi papasa sa inyong panglasa, manyaring mag-iwan ng komento. Sabihin mo na rin kung alin sa mga kantang ito ang paborito nio at baka sakaling mas karirin ko sa susunod na ma-berat ako heh.Pero please pagbigyan niyo na ako minsan lang hehe.. Baka sakali kahit sa blogosperyo eh magkaron ako ng fans. Paunawa na muli, ang mga kantang ito ay ni-rekord ng walang praktis. Ako ay naaadik lang sa pagrerekord sa tuwing ako ay naiinip o nakakatikim ng ginisang gulay na halo-halo na ibinigay ni loving neighbour ( Na-high ako promise). Alam ni Ate Liza kung anong klaseng luto yun hehe

14 Mar 2009

My Love Story Part 2 ( Karugtong nga Part 1 hehehe)

Kung hindi mo pa nabasa ang PART 1 ng love story ko eh basahin mo na at baka basahin pa ng iba hehe.. heto ang LINK patungo sa MY LOVE STORY PART 1.

 

Buti na lang hindi pa tapos ang buwan ng March at maipopost ko pa ang karugtong ng naantala kong Love Story script. Pihado nainip kau mga fwends kakahintay hano.

 

Heto na …

 

Matapos nga ang mahabang biyahe mula sa airport ay nakarating na nga kami ng cabanatuan. Itong si Jamie talagang titimbuwang na sa pagod pero halabira pa rin sa pagbati sa mga dinatnan. Si inay ay nagluto ng isang masarap na Bistek tagalog at iba pang putahe na sa katagalan ay hindi ko na matandaan. Nakipaginuman din ang damongkles kay itay at kay kuya panganay. naka-ilang bote rin siya ng San miguel beer bago nagpahinga. Teka heto ang piktyur namen.

 100_0506

O ang payat pa niya jan. Kita ko pa ang malaki niyang Adam’s Apple. Yun nasa kaliwa at kanan ko at si Mudra at si Mudro hehe. Yun batang gusgusin nman na katabi ni Habibi ay si Lucky.

 

Tingin ko na-enjoy niya ang kanyang unang araw sa cabanatuan. Pero wag ka, akala ko Juding nun una kasi takot na takot sa lamok, kulisap at kung ano-ano. Sabi ko hindi nman sia makakain nung mga yun. Ang laki kaya niyang damulag.

 

Pagtapos niyan inilibot ko siya sa Office kung san ako nagwowork. At ang mga walanghiyang tricycle driver na madalas maghatid sa akin pati si mamang nagtitinda ng prutas sa opisina eh gulat na gulat. Asawa ko daw ba si Joe. hehe Yan ang tawag nila kay Jamie. Parang ayaw pa maniwala ng mga ugok at kasi nman nakikita nila ke-panget ko tapos ke-pogi  ni Jamie. Ang puti-puti nman kasi parang wala nang dugo.

 

100_0556

Pero bago ko siya ilibot ng ilibot sa aming siyudad eh make-over to the max ang ginawa ko sa kanya. Nariyang pinagupitan ko sia sa pinsan ko na 14 years nang gumugupit. Si kuya ton-ton ang kanyang hair dresser hehehe. Di pa jan nagtapos kasi binisita rin namin ang dentist para sa cleaning ng kanyang ngipin. oha! Todo na ang make over. parang sasali sa Big Brother.

 

100_0611

After ng mahabang make-over heto na sia kinahapunan. At since then pag kami ay magde-date o magkasama, laglag ang panty ng mga kababaihan na aming masalubong. Pati na ang mga lalaki halos magladlad pag nakasakay kami sa escalator. Sabi nga minsan nun me nakasabay kaming bading na naka-mini skirt pa ng may rafols eh..

 

“Ay, sino siya.. Hi pogi, pwede makipagkilala..”

 

Siempre to the rescue ako..Muntik ko na nga makagat yun bading .. Nggggrrrr!

Libot to the max kami ng mga sumunod na araw. At dahil nga 3 weeks lang ang ilalagi nia sa Pinas, Napunta kami sa kung saan-saan.Cavite, Tagaytay, Enchanted hanggang sa naubos ang datung niya hehe. Sabi ko kasi sa kanya wag gumastos ng malaki eh. Eh kaso lahat ng kasya sa Van na ni-rent namin eh isinama niya at pinakain haha..

another.. enchanted kingdom lets go whats this ...

 

Ayan ay ilan lamang sa mga picture na nakunan nung time na kami ay lumarga. Ang saya-saya niyan! Kasi nga ang dami namin kahit butas ang bulsa ni Jamie hehe. Ang kaso neto napagod ang loko. Umalis ba naman kami niyan alas kuatro ng umaga. tapos nakabalik kami halos mag-umaga na. Kawawang Jamie.

 

At dahil magaling akong magplano ng mga target na puntahan at gimikan, eto nman ang sumunod.

 

 jamie,eds,jas,ria,kristine,jean,alvin Kampai... cheers

 

Hindi siempre mawawala ang formal na pagpapakilala ko sa kanya sa aking gma Fwends. Isang masaganang hapunan sa lamarang at inuman sa Rethro Bar ang aming pinagsaluhan. Etong si Jamie ko sus! Panay ang cheers nun kami at nasa Bar na. naloko na eh di panay ang tagay namin. Tequilla ba naman ang iniinom namin habang siya eh San Mig Lights. Ano ang nangyare? Hayun at nalasing ang mga Muras. Eh di naroong magwala sa dance floor ang mga Fwends ko at hinihila pa ako hehe. Sayaw nman si neneng para hindi nman killjoy. Ano pa ang nangyari dahil nalasing eh meron kaming alagain niyan hehehe. hindi ko na papangalanan kasi baka magalit sa akin haha.. Nagdamo lang nman siya sa harap ng bar kakasabunot dun sa mga damo sa parking lot. Kasi nga nahihilo sia at baka sakali maalalayan sia ng gma damo.

 

Napunta rin kami ng Baguio ng lagay na yan. eto nag siste jan, dapat kami lang ni Jamie ko ang aakyat ng baguio. kaso dahil si inay at itay ay nagwoworry aba nagpumilit sumama. kasama pati si baby bro hehe. ayan tuloy purnada na nman ang aming privacy.. hayz!

 

another one biking time burnham park jamie says its like uk view

 

At pagtapos niyan meron din kami siempre kulitan moments pag kami na lang dalawa.

i told you you have a coffee on your nose.. not bad.. lol it was really funny ..

 

O di ba? meron din nman kaming kakengkoyan kahit papano. Hindi masyado boring hihihi..

 

After nang Baguio namin balik kami ng cabanatuan. Ang problema meron naman Hostage Drama sa aming kapitbahay. Jusmiyo! Perfect na sana ang vacation ni Jamie maliban dun sa Hostage Drama na yun. At nabalita pa sa GMA-7 at ABS-CBN. Kaya naman ang kapal ng tao sa block namin. Sarado rin nman ang mga daan kaya napilitan kami maglakad para lang makauwi. Ako ay kabang-kaba at baka sia nman ang mapagbalingan ng mga kanto boys sa lugar namin. Eh ang loko gusto pa manood ng hostage drama, eh kung mabaril siya dun? ( Worried nman daw ako!)

 

Time to say goodbye..

 

 1     going to naia terminal I departure area suppressing the feeling of sadnessnayong pilipino while waiting for jamie's departure time try to smile even if you're sad

 

Medyo nakakalungkot na kasi hindi na kami makangiti pareho. At puro pilit na ngiti na lang. hehe. bago nga siya lumarga eh ibinigay ko ang isang silver bracelet na binili ko pa ng mura hehe.

 

shocks.. jamie is crying ..

And aalis na talaga siya. narinig ko na si Inay na humagulgol. Si lucky ay napaiyak na rin. Si tatay nakapagpigil pa ng konti. Pero si Jamie umiiyak na talaga habang kumakaway. Kiniss nia ako at niyakap ng mahigpit. Ayaw pa raw niya umuwi pero kelangan na.

 

“I’ll go back sweetpeach, I promise… I love you…”

 

Yan ang huling sinabi niya pero ako ibinulong ko sa kanya ang “ I love you too.. kasi nahihiya ako sabay sabing, take care and happy trip. Walang ka-sweet-sweet no? Kasi nga ayoko na me masabi sila mudra sa akin.

 

Pinigil ko na maiyak pero very emotional pala pag ganun. Hindi ko na siya nilingon kasi baka buong paglalakbay namin pabalik eh umatungal ako. Pero masakit pala pag mawawala na sa tabi mo ang mahal mo. Habang binabagtas namin ang daan pauwi, naiisip ko ang mga happy moments namin ng buong 3 weeks. Hindi na ako makausap ng matino nila nanay. Parang nasa isip ko bakit ba kasi kelangan umuwi pa siya. bakit 3 weeks lang siya nag-stay? Eh sa kabilang banda ganun din pala ang naiisip ni Jamie habang umiiyak papasok sa Plane.

 

After few weeks na nakauwi si Jamie dito sa UK. Hindi na makatulog at namimiss na daw ako. Ganun din nman ako. Nakakapanibago kasi pero tuloy ang aming communication thru chat. gaya ng dati, nagpapakapuyat siya sa paghihintay sa aking pag-online. At nagdecide nga sia na bumalik muli sa Pinas wala pang isang buwan. Umattend tuloy sia ng wedding ng brother ko.

 

100_1727 100_1731 100_1747

 

This time mas naging sweet kami at close sa isa’t-isa. First time niya magsuot ng barong tagalog at umattend sa Philippine Wedding ( bagay sa kanya di ba? Tawag nga ni nanay sa kanya eh Tom Cruise haha). Pero ang kolokoy, tensionado sa buong mass. lalo na nun reception. Unforgettable experience niya nang iset-up namin sia sa isang game ..

 

100_1792 100_1793 100_1794

 

O ayan .. Bumalong ang pawis kay Jamie. naging active ang lahat ng daluyan ng pawis sa kanyang katawan. en pano ba nman panay ang kisapan ng mga camera at naka-video pa. First time niya rin yun hehe.. tapos ipinalagay pa sa kanya un garter sa legs ni babae. tawa ako ng tawa dito!. Lumapit na lang ako at pinunasan ang pawis niya after niya i-kiss sa cheeck si girl. At ayaw pa pa-kiss nun babae ha. Sabi tuloy ng bakla sa tabi ko .. “ Hay, ang arte nman.. ako na lang please…”

 

Tumaas-taas at gumalaw-galaw na naman ang magkabilang tenga ko nun .. haha

 

Mas matagal ang inilagi niya ng second visit. Dito na namin naranasan na nagkakatampuhan paminsan-minsan. madalas lang naman namin pag-awayan eh un hindi niya pagkain ng agahan at yun masyado niyang pagka-adik sa Crispy pata. Mantakin mo halos araw-araw mcdo at crispy pata ang sinabakan. Tuloy nang sia ay pauwi heto na ang itsura namin.

 

 100_2987 100_2985

 

At dahil nag-gain ng bahagya ang weight, mas mukhang pumogi. hehe tingin nio? Eh ang payat niya kasi nun dumating. Pero nun second na uwi niya hindi na kasing emotional nun una. pero tulad ng dati nakakalungkot at nakaka-miss pa rin. Bago siya umuwi ipinag Despedida party din namin siya. Marami siyang naging kaibigan sa pilipinas at gustong gusto niya talaga ang inuman session with videoke. hehe..

 

Pagbalik nga niya sa UK, Nagulat pa raw ang Mam niya sa laki ng pinagbago niya. As in nakita nila ang difference ha. tapos nagpasalamat sa akin si mother-in-law to be for looking after her baby boy. hehe

 

7 months after his departure, nag-apply na ako for Fiance’ visa. at dahil nga sa na-deny na ako once, naging mas maingat kami sa mga documents na kakailanganin. Halos isang dangkal na documents ang ipinasa ko sa British Embassy. After less than a month na-approve ang aking application.

 

Dumating ako dito December 23, 2007. Spent my Christmas with his family and then got married March 03, 2008.  Civil Wedding lang kasi masyadong mahal isa pa gusto ko rin ang makasal sa simbahan na kasama ang family ko. Hopefully sa lalong madaling panahon.. Yun ay kung makakaipon hehe.

Wedding (102) Wedding (241)

Wedding (74) Wedding (50)

 

Mukha akong flower girl sa suot ko hano. Hehehe kasi nman ayoko mag-gown. Ok na sa akin nag semi-formal na kagaya nito.

 

Now na one year na kami, isa na lang ang kulang… Baby hehe.. Kaya kung meron mga tips jan, bgyan nio na ako at naiinip na ako magka-baby haha.

 

PS. I’ll post some of our pics sa aming Anniversary get-away soon .. BTW, Got the Italian Visa na rin for the continuation of Pulot-gata hehe..

LinkWithin

Related Posts Widget for Blogs by LinkWithin