Sa oras na ginagawa ko ang post na ito ay parang pakiramdam ko umaakyat ang dugo ko sa ulo ko. Pano ba nman kasi, meron kaming kapitbahay dito na matanda na at mahina na ang pandinig. Mabait nman talaga siya kung tutuusin pero yun nga lang madalas sa mapaghusga at nag-iisip ng masama sa kapwa.
Nung dumating ako dito sa Wales, yung ale na to (na hindi ko na papangalanan_, ang isa sa mga napakahirap intindihin sa lahat ng makausap ko. Bukod sa hindi maliwanag ang salita eh gaya nga ng nasabi ko mahina na ang pandinig nia. Kamakailan nga eh nagkaroon daw sia ng infection sa tenga at madalas kumatok at humingi ng pabor kay habibi tungkol sa mga kailangan ayusin at kung ano-ano pang bagay na hindi nia kayang gawin mag-isa. Madalas nman din na pinupuntahan ni Habibi. Kahit ang mga byenan ko at madalas din siyang kumustahin. Dahil nga sa kaibigan ng family ni Habibi kahit hindi ko sia naiintindihan polite nman ako lagi at madalas ngumingiti na lang sa kanya para nman hindi nia isipin na iniisnab ko sia. Hindi nman talaga ako pala-isnab. Lahat nga ng makasalubong ko ay nginingitian ko at binabati kahit di ko kilala. Pero ang totoo ngang dahilan eh nahihirapan talaga akong makipag-usap sa kanya. hindi nia ako naririnig kahit na makalimang beses kong uulitin ang sinabi ko hindi pa rin maririnig. kahit pa nga nasa level 9 na yata un volume ng boses ko.
Ang isyung ito ang dahilan kung bakit ngaun ay sumusulak ang dugo sa ulo ko. Kahapon kasi habang nagmamadali akong ibalik ang mga bins at boxes sa mga Beach house na pinamamahalaan ko eh nasalubong ko sia. si Habibi ay nasa shop at bumili ng ilang mga gagamitin namin sa bahay bago siya tumuloy papuntang Holyhead. Nasalubong ko ang ale kasama ang kanyang aso. Sabi nia eh kelangan daw nia ang tulong ni Habibi. Ang sabi ko namn eh sasabihin ko kay Habibi na puntahan sia sa bahay nia na hindi nga rin narinig. Pero iminostra ko na lang. After ng ilang oras, si Habibi ay nasa kabilang bayan na para sa kanyang check up. Kumatok itong ale at tinatanong si Habibi. Sabi ko nasa holyhead at may appointment sa kanyang doktor. Ilang ulit tinanong at ilang ulit ko rin pinaliwanag at sinagot kung nasan si Habibi. Ang sagot sa akin itinatago ko raw ba ang asawa ko. Ahay! Hindi ko nman talaga pinansin ang kanyang panghuhusga sa mga oras na ito. Ang sabi ko bakit ko nman itatago ang asawa ko. Ibinukas ko pa nga ang pinto para makita niyang mag-isa lang ako ng mga oras na yun. Sabi ko pagdating ni habibi eh sasabihin ko na pumunta sa kanyang bahay oramismo. Tumalikod na ang ale nang hindi nagpaalam sa akin bagay na hindi ko naman sineryoso dahil nga naiintindihan ko ang kalagayan niya.
Kanina lang alas dos ng hapon at kumatok na nman ang ale. tutop-tutop ng kanang kamay nia ang tenga niya. Naawa pa nga ako eh pero nun tanungin nia ako kung nandito si Habibi ( na sa oras na un ay tulog pa) ang sabi ko nga eh natutulog pa. Napuyat kasi nun nakaraang gabi kaya hinahayaan ko na magpahinga muna. Nakasimangot ang ale. Ako nman ay nangiti na nagsosorry sa kanya kasi ilang beses niyang nattsambahan na laging wala o tulog si Jamie. Hindi ko nman pakay na tawanan sia pero sumimangot bigla ang ale at sinabi wala daw nakakatawa sa sinabi nia. At dinagdag pang “ Nevermind, I won’t be bothering you ever again. I’ll just ask my neighbor to do it for me..” yan ang sagot nia na nakasimangot at nagmamalaki pa sa akin. Nagulat ako siyempre, bakit naman bigla niya na nman akong hinusgahan. Bakit ang init-init ng dugo niya sa akin? Ang sabi ko nabanggit ko na kahapon kay habibi na kelangan nia ng tulong pero busy rin nman kasi si Habibi at nasa kabilang bayan. Ang sama nito eh yun pa ang sinagot sa akin at bagkus tinalikuran ako ng bonggang-bongga. nabastos talaga ako sa mga oras na yun. Kaya nman dali-dali akong pumanhik at ginising si habibi at ipinaalam sa kanya na ang ale eh nagagalit na, kahit sia ang me kailangan eh siya pa ang nagagalit. ( Jusmio marimar!) Pambihira! Na-depress ako at naiyak ako sa galit. Alangan nman na bungangaan ko un matanda hano ? kawawa din nman pero sa isang banda hindi ko nman yata deserve na bastusin ng ke-aga-aga. isa pa ilang beses na niya akong hinuhusgahan kahit na napakabait ko sa kanya. Ipinagluluto ko pa nga ng pagkain un kahit na hirap ako mamili dahil vegetarian sia. Ang sa akin lang nman, ang dapat ay binigyan niya ako ng chance na ipaliwanag sa kanya ang actual na sitwasyon. Hindi ko nman ugali ang sumagot sa matanda. Nakasanayan ko rin nmang gumalang dahil yan ang turo ng aking mga magulang pero iba pala pag kahit gumagalang ka na eh binabastos ka pa rin ng mas nakatatanda. Mas nakakukulo pala ng dugo pag ganun? Hay naku, Dapat ay tigilan niya ang panghuhusga sa kapwa at dapat kung sia ang nanghihingi ng tulong eh magpakumbaba. Ganun nman talaga di ba? Ang sama nito, ako pa ang lumabas na masama. Ang sakit ng loob ko talaga pero idinaan ko na lang sa iyak. Ang sabi ko kay habibi eh hindi ko na siya kakausapin kahit kailan. Ignore ko na lang din sia yun pala ang gusto nia. Sabi nga, kapag puno na ang salop, kailangan nang kalusin. Pasensiya na lang si ale, napuno niya ang salop eh.. Kung naging mas mapang-unawa at polite sana siya sa paghingi ng pabor eh malamang kausapin ko pa siya? Eh pano nman kung palaging ganito ang gagawin nia sa akin? Parang tinanggap ko na rin na bastusin nia ako kung kelan niya gusto hindi ba? Hindi ko alam ukung maiintindihan nio mga ka-blog ang aking pag-aalburoto pero talagang hindi ko gusto ang naramdaman ko. :(